DISYEMBRE 2, 2020
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Bagyong Iota, Hinagupit ang Colombia at Lalo Pang Nanalanta sa Central America at Mexico
Lokasyon
Central America, Colombia, Mexico
Sakuna
Noong Nobyembre 15 at 16, 2020, hinagupit ng Bagyong Iota, na umabot sa Category 5, ang mga lugar sa hilagang Colombia, partikular na sa mga isla ng San Andrés at Providencia na nasa Caribbean Sea
Nagdulot ito ng mga pagbaha at landslide
Nag-landfall ang Bagyong Iota sa Nicaragua noong Nobyembre 16, 2020, at patuloy itong nanalanta sa iba pang bahagi ng Central America, kaya lalong dumami ang pinsala sa lugar na naunang sinalanta ng Bagyong Eta noong buwan ding iyon
Epekto sa mga kapatid
Central America
Costa Rica
22 kapatid ang lumikas
Guatemala
93 kapatid ang lumikas
Honduras
1,531 kapatid ang lumikas
2 kapatid ang nasugatan
Nicaragua
75 kapatid ang lumikas
Panama
16 na kapatid ang lumikas
Colombia
1 kapatid sa Providencia ang nabalian ng braso
1 1 kapatid sa San Andrés ang nasugatan
Mexico
1,248 kapatid sa Tabasco at Veracruz ang lumikas
Pinsala sa ari-arian
Central America
Costa Rica
9 na bahay ang nasira
Guatemala
18 bahay ang nasira
7 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
2 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala
Honduras
7 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
227 bahay ang nasira
Nicaragua
106 na bahay ang nasira
3 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Panama
5 bahay ang nasira
2 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala
Colombia
Ayon sa mga unang report, maraming bahay ng mga kapatid sa Providencia ang nagkaroon ng malaking pinsala at nawasak ang Kingdom Hall doon. Mahirap kontakin ang mga tagaisla sa ngayon dahil sinira ng bagyo ang mga linya ng telepono at kuryente
20 bahay at 1 Kingdom Hall ang bahagyang nasira sa San Andrés
Mexico
184 na bahay ang nasira
Relief work
Ang Komite ng Sangay sa Colombia ay nag-atas ng isang Disaster Relief Committee (DRC) para tulungan ang mga kapatid. Nagtutulungan ang DRC at ang tagapangasiwa ng sirkito doon sa pagbibigay ng kinakailangang tulong at pampatibay
Ang sangay sa Central America ay nag-atas ng apat na DRC para mangasiwa sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Eta at Iota sa Central America at Mexico. Nagbibigay ng pampatibay at praktikal na tulong ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa mga apektadong pamilya. Tumulong din ang mga kongregasyon doon sa pagbibigay ng mahigit 400 pack ng pagkain sa mga kapatid sa Honduras at Nicaragua. Kung minsan, ang mga lumikas ay pinapatuloy sa bahay ng mga kapatid na nakatira sa ligtas na lugar
Maingat na sinusunod ng mga kapatid na tumutulong sa relief work ang mga safety protocol ng COVID-19
Kahit na nakakaranas ang ating mga kapatid ng mahihirap na sitwasyon, gaya ng likas na mga sakuna, nagtitiwala pa rin sila na tutulungan sila ng ating Diyos na Jehova.—Awit 142:5.