HUNYO 19, 2023
GUAM
Hinampas ng Bagyong Mawar ang Guam at Rota
Hinampas ng bagyong Mawar ang mga isla ng Guam at Rota noong Mayo 24, 2023. Ito ang pinakamalakas na bagyong dumaan sa rehiyon sa nakalipas na 20 taon. Nagdala ang bagyo ng mahigit 70 sentimetro ng ulan. Umabot din ng mahigit 160 kilometro kada oras ang lakas ng hangin. Dahil dito, nawalan ng kuryente at tubig ang maraming lugar sa Guam at Rota.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid na namatay o nasugatan
3 bahay ang nawasak
12 bahay ang matinding napinsala
8 bahay ang bahagyang napinsala
Relief Work
Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan ng bagyo
2 Disaster Relief Committee ang inatasan para manguna sa relief work
Umaasa tayo na sa hinaharap, wala nang matatakot dahil sa likas na mga sakuna at “mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.”—Awit 37:11.