PEBRERO 23, 2021
JAPAN
Niyanig ng Magnitude 7.3 na Lindol ang Hilagang-Silangang Japan
Lokasyon
Hilagang-silangang Japan, pangunahin na ang Fukushima at Miyagi prefecture
Sakuna
Dahil sa magnitude 7.3 na lindol noong Pebrero 13, 2021, nawalan ng kuryente at tubig sa ilang lugar. Marami sa mga naapektuhang lugar ang dati nang napinsala ng magnitude 9.0 na lindol noong 2011
Epekto sa mga kapatid
11 kapatid ang nasugatan
Maraming kapatid ang pansamantalang nawalan ng kuryente o tubig
Pinsala sa ari-arian
10 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
205 bahay ang bahagyang nasira
13 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala
Relief work
Naglalaan ng pampatibay ang mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon sa mga kapatid habang sumusunod sa mga safety protocol ng COVID-19
Inaalam ng mga field representative at mga boluntaryo mula sa Local Design/Construction kung gaano kalaki ang nasira sa mga Kingdom Hall at mga bahay
Dalangin natin na patuloy sanang palakasin ni Jehova ang mga naapektuhan ng lindol na ito.—Filipos 4:13.