Pangmaliit na anyo
Anyo ng pangngalan na karaniwan nang tumutukoy sa pagiging maliit. Halimbawa, ang mga terminong Griego para sa “isda” at “bangka” ay isinasaling “maliliit na isda” at “maliit na bangka” kapag nasa pangmaliit na anyo. (Mat 15:34; Mar 3:9) Bukod sa pagiging maliit, ang pangmaliit na anyo ay puwede ring magpahiwatig ng pagiging bata, pagmamahal, pagiging pamilyar, o puwede ring panghahamak sa ilang kaso.
Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, madalas na ginagamit ang pangmaliit na anyo para magpahiwatig ng pagmamahal at pagiging pamilyar. Halimbawa, inilarawan ni Jesus ang mga tagasunod niyang mapagpakumbaba bilang “maliliit na tupa” (Ju 21:15-17), at tinawag ni apostol Juan ang mga kapatid bilang “mahal na mga anak.” Ang salitang Griego na ginamit dito ay nasa pangmaliit na anyo at puwedeng isalin na “maliliit na anak.”—1Ju 2:1, 12, 28; 3:7, 18; 4:4; 5:21.