Apocalipsis kay Juan 6:1-17
6 At nakita ko nang buksan ng Kordero+ ang isa sa pitong tatak,+ at narinig kong sinabi ng isa sa apat na buháy na nilalang+ na may tinig na gaya ng kulog: “Halika!”
2 At nakita ko ang isang puting kabayo,+ at ang nakaupo rito ay may pana; at isang korona ang ibinigay sa kaniya,+ at humayo siyang nagtatagumpay* at para lubusin ang pagtatagumpay niya.+
3 Nang buksan niya ang ikalawang tatak, narinig kong sinabi ng ikalawang buháy na nilalang:+ “Halika!”
4 May isa pang lumabas, isang kabayong kulay-apoy, at ang nakaupo rito ay pinahintulutang mag-alis ng kapayapaan sa lupa para magpatayan ang mga tao, at binigyan siya ng isang malaking espada.+
5 Nang buksan niya ang ikatlong tatak,+ narinig kong sinabi ng ikatlong buháy na nilalang:+ “Halika!” At nakita ko ang isang itim na kabayo, at ang nakaupo rito ay may hawak na isang pares ng timbangan.
6 Narinig ko ang isang tinig na parang nasa gitna ng apat na buháy na nilalang, at sinabi nito: “Isang quarto* ng trigo para sa isang denario*+ at tatlong quarto ng sebada para sa isang denario; at huwag mong hayaang maubos ang langis ng olibo at ang alak.”+
7 Nang buksan niya ang ikaapat na tatak, narinig ko ang tinig ng ikaapat na buháy na nilalang+ nang sabihin nito: “Halika!”
8 At nakita ko ang isang kabayong maputla, at ang nakaupo roon ay may pangalang Kamatayan. At ang Libingan* ay kasunod niya. At binigyan sila ng awtoridad sa ikaapat na bahagi ng lupa, para pumatay sa pamamagitan ng mahabang espada at ng kakapusan sa pagkain+ at ng nakamamatay na salot at ng mababangis na hayop sa lupa.+
9 Nang buksan niya ang ikalimang tatak, nakita ko sa ilalim ng altar+ ang dugo+ ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at dahil sa patotoong ibinigay nila.+
10 Sumigaw sila nang malakas: “O Kataas-taasang* Panginoon, na banal at totoo,+ hanggang kailan ka magpipigil sa paghatol at paghihiganti sa mga nakatira sa lupa para sa aming dugo?”+
11 At isang mahabang damit na puti ang ibinigay sa bawat isa sa kanila,+ at sinabihan silang magpahinga pa nang kaunti, hanggang sa makumpleto ang bilang ng kapuwa nila mga alipin at mga kapatid na malapit nang patayin gaya ng nangyari sa kanila.+
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at lumindol nang malakas; at ang araw ay naging itim na gaya ng telang-sako na gawa sa balahibo,* at ang buwan ay naging gaya ng dugo,+
13 at ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa gaya ng hilaw na mga igos na nalalaglag mula sa puno kapag inuga ito ng malakas na hangin.
14 At ang langit ay nawala gaya ng isang balumbon na inirolyo,+ at ang bawat bundok at ang bawat isla ay naalis sa kinalalagyan ng mga ito.+
15 Pagkatapos, ang mga hari sa lupa, ang matataas na opisyal, ang mga kumandante ng militar, ang mayayaman, ang malalakas, ang bawat alipin, at ang bawat malayang tao ay nagtago sa mga kuweba at sa malalaking bato sa mga bundok.+
16 At paulit-ulit nilang sinasabi sa mga bundok at sa malalaking bato: “Takpan ninyo kami+ at itago ninyo kami mula sa Isa na nakaupo sa trono+ at mula sa poot ng Kordero,+
17 dahil dumating na ang dakilang araw ng kanilang poot,+ at sino ang makaliligtas?”+