Mga Awit 147:1-20
147 Purihin si Jah!*
Mabuti ang umawit ng mga papuri* sa ating Diyos;Kasiya-siya at nararapat lang na purihin siya!+
2 Itinatayo ni Jehova ang Jerusalem;+Tinitipon niya ang mga taga-Israel na nangalat.+
3 Pinagagaling niya ang mga may pusong nasasaktan;Tinatalian niya ang mga sugat nila.
4 Binibilang niya ang mga bituin;Tinatawag niya sa pangalan ang lahat ng ito.+
5 Ang Panginoon natin ay dakila at napakamakapangyarihan;+Hindi masusukat ang lawak ng kaniyang kaunawaan.+
6 Itinataas ni Jehova ang maaamo,+Pero ibinabagsak niya sa lupa ang masasama.
7 Umawit kayo kay Jehova nang may pasasalamat;Umawit kayo ng mga papuri sa ating Diyos sa saliw ng alpa.
8 Tinatakpan niya ng mga ulap ang langit;Nagpapaulan siya sa lupa;+Nagpapasibol siya ng damo+ sa mga bundok.
9 Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop,+Ang mga inakáy ng uwak na nanghihingi nito.+
10 Hindi siya nalulugod sa lakas ng kabayo;+At hindi siya napahahanga ng malalakas na binti ng tao.+
11 Nalulugod si Jehova sa mga natatakot sa kaniya,+Sa mga naghihintay sa kaniyang tapat na pag-ibig.+
12 Luwalhatiin mo si Jehova, O Jerusalem.
Purihin mo ang iyong Diyos, O Sion.
13 Pinapatibay niya ang mga halang ng mga pintuang-daan ng lunsod mo;Pinagpapala niya ang mga anak mo.
14 Nagdadala siya ng kapayapaan sa teritoryo mo;+Binubusog ka niya ng pinakamagandang klase* ng trigo.+
15 Ipinadadala niya sa lupa ang kaniyang utos;Mabilis na tumatakbo ang kaniyang salita.
16 Nagsusugo siya ng niyebe na parang lana;+Ikinakalat niya ang nagyelong hamog na parang abo.+
17 Nagpapabagsak siya ng mga yelo* na gaya ng mga piraso ng tinapay.+
Sino ang makatatagal sa lamig niya?+
18 Isinusugo niya ang kaniyang salita, at natutunaw ang mga ito.
Pinahihihip niya ang kaniyang hangin,+ at umaagos ang tubig.
19 Inihahayag niya ang kaniyang salita sa Jacob,Ang mga tuntunin at hatol niya sa Israel.+
20 Hindi niya iyon ginawa sa ibang bansa;+Wala silang alam sa mga hatol niya.
Purihin si Jah!*+
Talababa
^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
^ O “umawit at tumugtog para.”
^ Lit., “ng taba.”
^ O “graniso.”
^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.