Eclesiastes 1:1-18

1  Ang mga salita ng tagapagtipon,+ na anak ni David, ang hari sa Jerusalem.+  2  “Talagang walang kabuluhan!” ang sabi ng tagapagtipon,“Talagang walang kabuluhan! Ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan!”+  3  Ano ang pakinabang ng isang tao sa lahat ng pagsisikap niya,Sa pagpapakapagod niya sa ilalim ng araw?*+  4  Isang henerasyon ang lumilipas, at isang henerasyon ang dumarating,Pero ang lupa ay mananatili* magpakailanman.+  5  Ang araw ay sumisikat, at ang araw ay lumulubog;Pagkatapos, nagmamadali itong bumalik* sa lugar kung saan ito sisikat muli.+  6  Ang hangin ay pumupunta sa timog at umiikot pabalik sa hilaga;Paulit-ulit itong umiikot; paulit-ulit na lumilibot ang hangin.  7  Ang lahat ng ilog* ay dumadaloy papunta sa dagat, pero hindi napupuno ang dagat.+ Bumabalik ang mga ilog sa pinagmulan nito para dumaloy ulit.+  8  Ang lahat ng bagay ay nakakapagod;Hindi ito kayang ipaliwanag ng sinuman. Ang mata ay hindi nasisiyahan sa nakikita nito;Ang tainga ay hindi rin nasisiyahan sa naririnig nito.  9  Ang nangyari na ay mangyayari ulit,At ang nagawa na ay gagawin ulit;Walang anumang bago sa ilalim ng araw.+ 10  Masasabi ba ng isang tao tungkol sa anumang bagay, “Tingnan mo—bago ito”? Matagal nang umiiral iyon;Umiiral na iyon bago pa ang panahon natin. 11  Walang nakakaalaala sa mga taong nabuhay noon;Wala ring makakaalaala sa mga taong mabubuhay sa hinaharap;At hindi rin sila maaalaala ng mga darating pa.+ 12  Ako, ang tagapagtipon, ay hari ng Israel sa Jerusalem.+ 13  Gamit ang aking karunungan, pinagsikapan kong pag-aralan at saliksikin+ ang lahat ng bagay na nagawa na sa ibabaw ng lupa*+—ang miserableng gawain na ibinigay ng Diyos sa mga anak ng tao para pagkaabalahan nila. 14  Nakita ko ang lahat ng ginawa sa ilalim ng araw;Nakita kong ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan, paghahabol lang sa hangin.+ 15  Ang baluktot ay hindi maitutuwid,At ang wala ay hindi puwedeng bilangin. 16  At sinabi ko sa sarili* ko: “Nagkaroon ako ng napakalawak na karunungan, higit kaysa sa sinumang nauna sa akin sa Jerusalem,+ at ang aking puso ay napuno ng napakaraming karunungan at kaalaman.”+ 17  Pinagsikapan kong makakuha ng karunungan at maunawaan ang kabaliwan* at kahibangan,+ at ito rin ay paghahabol sa hangin. 18  Dahil ang maraming karunungan ay nagdudulot ng maraming kapighatian,Kaya ang nagpaparami ng kaalaman ay nagpaparami rin ng problema.+

Talababa

Sa aklat na ito ng Bibliya, ang ibig sabihin ng pananalitang “sa ilalim ng araw” ay “sa lupang ito” o “sa mundong ito.”
Lit., “nakatayo.”
O “humihingal ito pabalik.”
O “sapa sa taglamig.”
Lit., “sa silong ng langit.”
Lit., “puso.”
O “sobrang kamangmangan.”

Study Notes

Media