Mga Kawikaan 5:1-23

5  Anak ko, bigyang-pansin mo ang karunungan ko. Makinig kang mabuti* sa kaunawaan ko,+  2  Para mabantayan mo ang kakayahan mong mag-isipAt katotohanan* ang laging lumabas sa iyong bibig.+  3  Dahil ang pananalita* ng masamang* babae ay matamis na gaya ng pulot-pukyutan+At mas madulas kaysa sa langis.+  4  Pero sa huli, siya pala ay kasimpait ng halamang ahenho+At kasintalas ng espada na may dalawang talim.+  5  Ang mga paa niya ay papunta sa kamatayan. Ang mga hakbang niya ay umaakay sa Libingan.*  6  Hindi niya inaalam ang daan patungo sa buhay. Pagala-gala siya at hindi niya alam kung saan siya papunta.  7  Kaya mga anak, makinig kayo sa akin,At huwag kayong lumihis sa sinasabi ko.  8  Lumayo ka sa kaniya;Huwag kang lumapit sa pasukan ng bahay niya,+  9  Para hindi mo maiwala ang iyong dangal+At hindi ka magdusa habambuhay;+ 10  Para hindi maubos ng mga estranghero ang mga tinataglay* mo+At hindi mapunta sa bahay ng banyaga ang mga pinaghirapan mo. 11  Kung hindi, daraing ka sa huling bahagi ng buhay moKapag nanghihina na ang iyong laman at katawan+ 12  At sasabihin mo: “Bakit ko ba tinanggihan* ang disiplina? Bakit hinamak ng puso ko ang pagsaway? 13  Hindi ako nakinig sa tinig ng mga tagapagturo ko,At hindi ako nagbigay-pansin sa aking mga guro. 14  Umabot ako sa bingit ng kapahamakanSa harapan ng buong kongregasyon.”*+ 15  Uminom ka ng tubig mula sa sarili mong imbakanAt ng sariwang* tubig mula sa sarili mong balon.+ 16  Dapat bang kumalat sa labas ang iyong mga bukalAt umabot sa liwasan* ang mga daloy ng iyong tubig?+ 17  Para sa iyo lang iyonAt hindi para sa ibang tao.+ 18  Pagpalain nawa ang iyong bukal ng tubig,At masiyahan ka nawa sa iyong asawa mula pa noong kabataan mo,+ 19  Isang mapagmahal na babaeng usa, isang mapanghalinang kambing-bundok.*+ Masiyahan* ka sa kaniyang dibdib sa lahat ng panahon. Lagi ka nawang mabihag ng pag-ibig niya.+ 20  Kaya anak ko, bakit ka magpapabihag sa isang masamang* babaeO yayakap sa imoral na* babae?+ 21  Dahil nakikita ni Jehova ang lakad ng tao;Sinusuri niya ang lahat ng landas nito.+ 22  Ang masama ay nabibitag ng sarili niyang mga pagkakamali,At mahuhuli siya sa silo* ng sarili niyang kasalanan.+ 23  Mamamatay siya dahil sa kawalan ng disiplinaAt maliligaw dahil sa sobrang kamangmangan.

Talababa

Lit., “Ikiling mo ang iyong tainga.”
O “kaalaman.”
Lit., “mga labi.”
Lit., “estrangherong.” Tingnan ang Kaw 2:16.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “ang lakas.”
O “kinapootan.”
Lit., “Sa gitna ng kapulungan at ng kongregasyon.”
O “umaagos na.”
O “plaza.”
O “Magpakalango.”
Tinatawag ding ibex.
Lit., “estrangherong.” Tingnan ang Kaw 2:16.
Lit., “banyagang.” Tingnan ang Kaw 2:16.
O “lubid.”

Study Notes

Media