C2
Mga Talata sa Bibliya Kung Saan Lumitaw ang Pangalan ni Jehova sa mga Tuwiran o Di-tuwirang Pagsipi
Makikita rito ang ilang talata kung saan lumitaw ang pangalan ni Jehova sa mismong teksto ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Bagong Sanlibutang Salin. Ang mga talatang ito ay tuwiran o di-tuwirang sumipi mula sa orihinal na tekstong Hebreo na gumamit ng Tetragrammaton. Sa ilalim ng “Sumusuportang Reperensiya,” makikita ang mga salin ng Bibliya na nagbalik ng pangalan ng Diyos sa isang partikular na teksto o nagpaliwanag na ang Diyos na Jehova ang tinutukoy sa tekstong iyon. Ang mga saling ito sa iba’t ibang wika ay gumamit ng mga saling gaya ng Jehovah, Yahveh, Yahweh, יהוה (YHWH, o Tetragrammaton), LORD, at ADONAI sa mismong teksto. Kung minsan naman, makikita sa mga talababa at marginal note ng mga ito na ang Diyos na Jehova ang tinutukoy sa mga tekstong iyon.