Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Aklat ng Ezekiel

Kabanata

Nilalaman

  • 1

    • Nakakita si Ezekiel ng mga pangitain mula sa Diyos habang nasa Babilonya (1-3)

    • Pangitain tungkol sa makalangit na karo ni Jehova (4-28)

      • Napakalakas na hangin, ulap, at apoy (4)

      • Apat na buháy na nilalang (5-14)

      • Apat na gulong (15-21)

      • Malapad na sahig na nagniningning na tulad ng yelo (22-24)

      • Trono ni Jehova (25-28)

  • 2

    • Inatasan si Ezekiel bilang propeta (1-10)

      • “Makinig man sila o hindi” (5)

      • Nakakita ng balumbon na may mga awit ng pagdadalamhati (9, 10)

  • 3

    • Ipinakain kay Ezekiel ang balumbon na mula sa Diyos (1-15)

    • Magiging bantay si Ezekiel (16-27)

      • Pagkakasala sa dugo kapag hindi nagbabala (18-21)

  • 4

    • Inilarawan ang pagkubkob sa Jerusalem (1-17)

      • Dinala ang pagkakasala sa loob ng 390 araw at 40 araw (4-7)

  • 5

    • Inilarawan ang pagbagsak ng Jerusalem (1-17)

      • Hinati sa tatlong bahagi ang inahit na buhok ng propeta (1-4)

      • Jerusalem, mas masahol pa sa ibang bansa (7-9)

      • Tatlong paraan ng pagpaparusa sa mga rebelde (12)

  • 6

    • Hula laban sa mga bundok ng Israel (1-14)

      • Ipapahiya ang karima-rimarim na mga idolo (4-6)

      • “Malalaman ninyo na ako si Jehova” (7)

  • 7

    • Dumating na ang kawakasan (1-27)

      • Walang-katulad na kapahamakan (5)

      • Itatapon sa lansangan ang pera (19)

      • Lalapastanganin ang templo (22)

  • 8

    • Dinala si Ezekiel sa Jerusalem sa isang pangitain (1-4)

    • May nakitang kasuklam-suklam na mga bagay sa templo (5-18)

      • Iniiyakan ng mga babae si Tamuz (14)

      • Sinasamba ng mga lalaki ang araw (16)

  • 9

    • Anim na tagapuksa at lalaking may tintero (1-11)

      • Nagsimula sa santuwaryo ang paghatol (6)

  • 10

    • Kumuha ng apoy sa pagitan ng mga gulong (1-8)

    • Inilarawan ang mga kerubin at gulong (9-17)

    • Umalis sa templo ang kaluwalhatian ng Diyos (18-22)

  • 11

    • Hinatulan ang masasamang opisyal (1-13)

      • Ikinumpara sa lutuan ang lunsod (3-12)

    • Pangakong ibabalik sila (14-21)

      • Binigyan ng “bagong espiritu” (19)

    • Umalis sa Jerusalem ang kaluwalhatian ng Diyos (22, 23)

    • Sa pangitain, bumalik si Ezekiel sa Caldea (24, 25)

  • 12

    • Isinadula kung paano magaganap ang pagkatapon (1-20)

      • Bagahe para sa pagkatapon (1-7)

      • Aalis ang pinuno habang madilim (8-16)

      • Tinapay ng pagkabalisa at tubig ng pagkatakot (17-20)

    • Napatunayang di-totoo ang mapanlinlang na kasabihan (21-28)

      • “Ang lahat ng sinasabi ko ay malapit nang matupad” (28)

  • 13

    • Laban sa huwad na mga propeta (1-16)

      • Babagsak ang mga pader na pininturahan ng puti (10-12)

    • Laban sa huwad na mga propetisa (17-23)

  • 14

    • Hinatulan ang mga sumasamba sa idolo (1-11)

    • Hindi matatakasan ang hatol sa Jerusalem (12-23)

      • Ang matuwid na sina Noe, Daniel, at Job (14, 20)

  • 15

    • Jerusalem, walang-silbing punong ubas (1-8)

  • 16

    • Pag-ibig ng Diyos sa Jerusalem (1-63)

      • Natagpuan bilang abandonadong bata (1-7)

      • Pinaganda siya ng Diyos at nakipagtipan na maging asawa niya (8-14)

      • Hindi siya naging tapat (15-34)

      • Pinarusahan dahil sa pangangalunya (35-43)

      • Ikinumpara sa Samaria at Sodoma (44-58)

      • Naalaala ng Diyos ang kaniyang tipan (59-63)

  • 17

    • Palaisipan tungkol sa dalawang agila at punong ubas (1-21)

    • Murang supang na naging magandang sedro (22-24)

  • 18

    • Ang bawat isa ay mananagot sa sarili niyang kasalanan (1-32)

      • Ang taong nagkakasala ay mamamatay (4)

      • Hindi pagbabayaran ng anak ang kasalanan ng ama (19, 20)

      • Hindi natutuwa sa kamatayan ng masama (23)

      • Nagdudulot ng buhay ang pagsisisi (27, 28)

  • 19

    • Awit ng pagdadalamhati para sa mga pinuno ng Israel (1-14)

  • 20

    • Kasaysayan ng pagrerebelde ng Israel (1-32)

    • Pangakong ibabalik sa dating kalagayan ang Israel (33-44)

    • Hula laban sa timog (45-49)

  • 21

    • Hinugot ng Diyos ang kaniyang espada ng paghatol (1-17)

    • Sasalakayin ng hari ng Babilonya ang Jerusalem (18-24)

    • Aalisin ang napakasamang pinuno ng Israel (25-27)

      • “Alisin mo ang korona” (26)

      • “Hanggang sa dumating ang isa na may legal na karapatan” (27)

    • Espada laban sa mga Ammonita (28-32)

  • 22

    • Jerusalem, lunsod na mamamatay-tao (1-16)

    • Israel, parang dumi na walang pakinabang (17-22)

    • Hinatulan ang mga pinuno at mamamayan ng Israel (23-31)

  • 23

    • Magkapatid na taksil (1-49)

      • Si Ohola na nakiapid sa Asirya (5-10)

      • Si Oholiba na nakiapid sa Babilonya at Ehipto (11-35)

      • Parusa sa magkapatid (36-49)

  • 24

    • Jerusalem, gaya ng kinakalawang na lutuan (1-14)

    • Pagkamatay ng asawa ni Ezekiel, isang tanda (15-27)

  • 25

    • Hula laban sa Ammon (1-7)

    • Hula laban sa Moab (8-11)

    • Hula laban sa Edom (12-14)

    • Hula laban sa Filistia (15-17)

  • 26

    • Hula laban sa Tiro (1-21)

      • “Patuyuan ng lambat” (5, 14)

      • Itinapon sa tubig ang mga bato at lupa (12)

  • 27

    • Awit ng pagdadalamhati para sa papalubog na barko ng Tiro (1-36)

  • 28

    • Hula laban sa hari ng Tiro (1-10)

      • “Ako ay diyos” (2, 9)

    • Awit ng pagdadalamhati para sa hari ng Tiro (11-19)

      • “Ikaw ay nasa Eden” (13)

      • “Ang kerubing pinili para magsanggalang” (14)

      • “May nakitang kasamaan sa iyo” (15)

    • Hula laban sa Sidon (20-24)

    • Ibabalik ang Israel sa dati nilang kalagayan (25, 26)

  • 29

    • Hula laban sa Paraon (1-16)

    • Ibibigay ang Ehipto sa Babilonya bilang gantimpala (17-21)

  • 30

    • Hula laban sa Ehipto (1-19)

      • Inihula ang pagsalakay ni Nabucodonosor (10)

    • Aalisan ng kapangyarihan ang Paraon (20-26)

  • 31

    • Pagbagsak ng Ehipto, ang mataas na sedro (1-18)

  • 32

    • Awit ng pagdadalamhati para sa Paraon at sa Ehipto (1-16)

    • Paglilibing sa Ehipto kasama ng mga di-tuli (17-32)

  • 33

    • Mga pananagutan ng isang bantay (1-20)

    • Balita tungkol sa pagbagsak ng Jerusalem (21, 22)

    • Mensahe sa mga nakatira sa mga guho (23-29)

    • Hindi kumikilos ang bayan ayon sa narinig nila (30-33)

      • Si Ezekiel, gaya ng isang “romantikong awitin” (32)

      • “Nagkaroon ng propeta sa gitna nila” (33)

  • 34

    • Hula laban sa mga pastol ng Israel (1-10)

    • Pag-aalaga ni Jehova sa mga tupa niya (11-31)

      • Papastulan sila ng “lingkod kong si David” (23)

      • Tipan para sa kapayapaan (25)

  • 35

    • Hula laban sa mga bundok ng Seir (1-15)

  • 36

    • Hula tungkol sa mga bundok ng Israel (1-15)

    • Ibabalik ang Israel sa dati nitong kalagayan (16-38)

      • “Pababanalin ko ang aking dakilang pangalan” (23)

      • “Gaya ng hardin ng Eden” (35)

  • 37

    • Pangitain tungkol sa kapatagan ng tuyong mga buto (1-14)

    • Dalawang patpat na pagdidikitin (15-28)

      • Isang bansa sa ilalim ng isang hari (22)

      • Walang-hanggang tipan para sa kapayapaan (26)

  • 38

    • Pagsalakay ni Gog sa Israel (1-16)

    • Ang galit ni Jehova kay Gog (17-23)

      • ‘Malalaman ng mga bansa na ako si Jehova’ (23)

  • 39

    • Pagpuksa kay Gog at sa mga hukbo niya (1-10)

    • Paglilibing sa Lambak ng Hamon-Gog (11-20)

    • Ibabalik ang Israel sa lupain nila (21-29)

      • Ibinuhos sa Israel ang espiritu ng Diyos (29)

  • 40

    • Sa isang pangitain, dinala si Ezekiel sa Israel (1, 2)

    • Nakita ni Ezekiel sa pangitain ang isang templo (3, 4)

    • Mga looban at pintuang-daan (5-47)

      • Pintuang-daan sa silangan ng malaking looban (6-16)

      • Malaking looban; iba pang pintuang-daan (17-26)

      • Maliit na looban at mga pintuang-daan (27-37)

      • Mga silid para sa gawain sa templo (38-46)

      • Altar (47)

    • Beranda ng templo (48, 49)

  • 41

    • Santuwaryo ng templo (1-4)

    • Pader at panggilid na mga silid (5-11)

    • Gusali sa kanluran (12)

    • Sinukat ang mga gusali (13-15a)

    • Loob ng santuwaryo (15b-26)

  • 42

    • Mga silid-kainan (1-14)

    • Sinukat ang apat na bahagi ng templo (15-20)

  • 43

    • Napuno ng kaluwalhatian ni Jehova ang templo (1-12)

    • Altar (13-27)

  • 44

    • Mananatiling nakasara ang silangang pintuang-daan (1-3)

    • Mga tagubilin may kinalaman sa mga banyaga (4-9)

    • Mga tagubilin para sa mga Levita at saserdote (10-31)

  • 45

    • Ang banal na abuloy at ang lunsod (1-6)

    • Para sa pinuno (7, 8)

    • Dapat na maging tapat ang mga pinuno (9-12)

    • Ang abuloy ng bayan at ang pinuno (13-25)

  • 46

    • Mga handog sa partikular na mga pagdiriwang (1-15)

    • Mana mula sa pag-aari ng pinuno (16-18)

    • Mga lugar kung saan pinakukuluan ang mga handog (19-24)

  • 47

    • Ilog na umaagos mula sa templo (1-12)

      • Palalim nang palalim ang tubig (2-5)

      • Naging sariwa ang tubig sa Dagat na Patay (8-10)

      • Nanatiling maalat ang mga latian (11)

      • Mga punong pagkukunan ng pagkain at pampagaling (12)

    • Mga hangganan ng lupain (13-23)

  • 48

    • Ang hatian ng lupain (1-29)

    • Ang 12 pintuang-daan ng lunsod (30-35)

      • Ang pangalan ng lunsod ay “Naroon si Jehova” (35)