Sino ang Hari sa Kaharian ng Diyos?
Ipinasulat ng Diyos sa ilang manunulat ng Bibliya ang mga detalye para makilala natin ang Isa na magiging Hari sa Kaharian ng Diyos. Ang Tagapamahalang ito ay
-
Pinili ng Diyos. “Ako mismo ang nagluklok sa aking hari . . . Ibibigay ko ang mga bansa bilang iyong mana at ang buong lupa bilang iyong pag-aari.”—Awit 2:6, 8.
-
Isang tagapagmana ni Haring David. “Isang bata ang ipinanganak sa atin, isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin . . . Ang paglawak ng pamamahala niya at ang kapayapaan ay hindi magwawakas, sa trono ni David at sa kaniyang kaharian para itatag ito nang matibay.”—Isaias 9:6, 7.
-
Ipinanganak sa Betlehem. “O Betlehem . . . , sa iyo magmumula ang magiging tagapamahala . . . Siya ay magiging dakila sa buong lupa.”—Mikas 5:2, 4.
-
Itinakwil ng mga tao at pinatay. “Hinamak siya, at winalang-halaga namin siya. . . . Sinaksak siya dahil sa mga kasalanan namin; pinahirapan siya dahil sa mga pagkakamali namin.”—Isaias 53:3, 5.
-
Binuhay-muli at dinakila. “Hindi mo ako iiwan sa Libingan. Ang tapat sa iyo ay hindi mo hahayaang mapunta sa hukay. . . . May kaligayahan sa iyong kanang kamay magpakailanman.”—Awit 16:10, 11.
Si Jesu-Kristo ang Karapat-dapat na Tagapamahala
Sa buong kasaysayan ng tao, kay Jesu-Kristo lang tumukoy ang lahat ng paglalarawang ito. Sinabi ng isang anghel sa ina ni Jesus na si Maria: “Ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama, . . . at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”—Lucas 1:31-33.
Si Jesus ay hindi naging tagapamahala noong nandito siya sa lupa. Pero mamamahala siya bilang Hari sa Kaharian ng Diyos sa langit. Bakit siya ang karapat-dapat na Tagapamahala? Pansinin ang mga nagawa niya noong nandito siya sa lupa.
-
Mateo 9:36; Marcos 10:16) Nagmamakaawang sinabi sa kaniya ng isang ketongin: “Kung gugustuhin mo lang, mapagagaling mo ako.” Naawa si Jesus at pinagaling siya.—Marcos 1:40-42.
Nagmalasakit si Jesus sa mga tao. Tinulungan ni Jesus ang mga tao, anuman ang kanilang kasarian, edad, pinagmulan, o katayuan sa buhay. ( -
Itinuro niya kung paano mapapasaya ang Diyos. Sinabi niya: “Hindi kayo puwedeng magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.” Sinabi rin niya na dapat pakitunguhan ng mga tao ang iba kung paano nila gustong pakitunguhan sila ng iba—ang prinsipyong kilalá bilang Gintong Tuntunin. Isa pa, ipinakita niyang interesado ang Diyos hindi lang sa mga ginagawa natin kundi pati sa iniisip at nadarama natin. Kaya para mapasaya ang Diyos, dapat nating kontrolin ang mga nadarama natin. (Mateo 5:28; 6:24; 7:12) Idiniin ni Jesus na para maging tunay na maligaya, dapat nating alamin kung ano ang gusto ng Diyos na gawin natin at pagkatapos ay gawin iyon.—Lucas 11:28.
-
Itinuro ni Jesus kung ano ang pag-ibig. Dahil sa kaniyang salita at gawa, naabot ni Jesus ang puso ng mga tagapakinig niya. “Namangha ang mga tao sa paraan niya ng pagtuturo, dahil nagturo siya sa kanila bilang isang tao na may awtoridad.” (Mateo 7:28, 29) Itinuro niya: “Mahalin ang inyong mga kaaway.” Ipinanalangin pa nga niya ang ilan sa mga pumatay sa kaniya: “Ama, patawarin mo sila, dahil hindi nila alam ang ginagawa nila.”—Mateo 5:44; Lucas 23:34.
Si Jesus, ang karapat-dapat maging Tagapamahala ng mundo, ay matulungin at mabait. Pero kailan siya magsisimulang mamahala?