Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Ang lupa ay magbibigay ng ani nito; pagpapalain tayo ng Diyos, ng ating Diyos.”​—AWIT 67:6

Masiyahan sa Pagpapala ng Ating Maylalang Magpakailanman

Masiyahan sa Pagpapala ng Ating Maylalang Magpakailanman

Ipinangako ng Diyos sa propetang si Abraham na isa sa kaniyang inapo ang magiging dahilan ng pagpapala sa “lahat ng bansa sa lupa.” (Genesis 22:18) Sino ang inapong ito?

Halos 2,000 taon na ang nakakaraan, binigyan ng Diyos si Jesus, isang inapo ni Abraham, ng kapangyarihang gumawa ng himala. Ipinapakita ng mga himalang iyon na ang pangako kay Abraham ay matutupad sa pamamagitan ni Jesus.​—Galacia 3:14.

Pinatunayan ng mga himalang ginawa ni Jesus na siya ang pinili ng Diyos para pagpalain ang mga tao. Ipinakita rin nito kung paano siya gagamitin ng Diyos para pagpalain ang mga tao magpakailanman. Anong magagandang katangian ni Jesus ang makikita sa mga himala niya?

Mapagmalasakit​—Pinagaling ni Jesus ang mga maysakit.

Nagmakaawa ang isang ketongin na pagalingin siya ni Jesus. Hinawakan siya ni Jesus at sinabi: “Gusto ko!” Agad siyang gumaling.​—Marcos 1:40-42.

Bukas-palad​—Pinakain ni Jesus ang mga nagugutom.

Ayaw ni Jesus na magutom ang mga tao. Mahigit isang beses na pinakain ni Jesus ang libo-libong tao gamit lang ang ilang tinapay at maliliit na isda. (Mateo 14:17-21; 15:32-38) Pagkatapos nilang kumain, nabusog ang lahat at marami pang sumobra.

Maawain​—Bumuhay si Jesus ng mga patay.

Isang biyuda ang namatayan ng kaisa-isa niyang anak. Naawa si Jesus sa babaeng ito dahil wala nang mag-aalaga rito, kaya binuhay ni Jesus ang anak nito.​—Lucas 7:12-15.