Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Ano ang Armagedon?
Naniniwala ang ilan . . .
na ito ay pagkawasak ng mundo sa pamamagitan ng mga sandatang nuklear o pagkasira ng kalikasan. Ano sa palagay mo?
Ang sabi ng Bibliya
Ang Armagedon ay isang makasagisag na lugar ng “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat,” laban sa masasama.—Apocalipsis 16:14, 16.
Ano pa ang matututuhan natin sa Bibliya?
Makikipaglaban ang Diyos sa digmaan ng Armagedon, hindi para wasakin ang lupa, kundi para iligtas ito mula sa paninira ng mga tao.—Apocalipsis 11:18.
Wawakasan ng digmaan ng Armagedon ang lahat ng digmaan.—Awit 46:8, 9.
Posible bang makaligtas sa digmaan ng Armagedon?
Ano ang sagot mo?
Oo
Hindi
Siguro
Ang sabi ng Bibliya
“Isang malaking pulutong” mula sa lahat ng bansa ang makaliligtas sa “malaking kapighatian,” na magwawakas sa digmaan ng Armagedon.—Apocalipsis 7:9, 14.
Ano pa ang matututuhan natin sa Bibliya?
Gusto ng Diyos na maraming makaligtas sa Armagedon hangga’t maaari. Pupuksain niya ang masasama kung talagang ayaw na nilang magbago.—Ezekiel 18:32.
Ipinaliliwanag ng Bibliya kung paano makaliligtas sa Armagedon.—Zefanias 2:3.