Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagmamasid sa Daigdig

Pagmamasid sa Daigdig

Ecuador

Noong 2007, ipinatalastas ng Ecuador ang plano nito na pondohan ang pangangalaga sa halos 10,000 kilometro kuwadrado ng di-pa-nagagalaw na Amazon rain forest sa halip na sirain ito para makahukay ng langis. Pero di-natuloy ang mga planong iyon dahil sa kawalan ng pinansiyal na suporta mula sa ibang bansa. Sa buong mundo, ang bahaging ito ng Amazon rain forest ang isa sa mga lugar na may pinakamaraming halaman at hayop.

Japan

Napakahirap madetek sa mga test kung kontaminado ang mga sampol ng dugo, ang sabi ng The Japan News. Noong 2013, napabalita na isang lalaking mahigit 60 anyos ang nagkaroon ng HIV dahil sa pagpapasalin ng dugo. May tinatawag na window period kung saan hindi madedetek kung may HIV ang donasyong dugo.

Zimbabwe

Bagaman mahigit 30 taon nang tapós ang labanan ng mga gerilyang taga-Zimbabwe sa may border nito sa Mozambique, patuloy pa ring nagiging sanhi ng pagkalumpo at kamatayan ang mga bombang nakatanim doon. “Mula noong 1980, mahigit 1,500 katao at 120,000 alagang hayop ang namatay at 2,000 katao ang nalumpo dahil sa mga bombang nakatanim sa may border ng Zimbabwe,” ang ulat ng International Committee of the Red Cross.

Australia

Ayon sa isang surbey, parami nang parami sa mga mag-asawang naghihiwalay ang nagtatalo kung kanino mapupunta ang kanilang mga alagang hayop. Sa mga ari-ariang pinagtatalunan, ang mga alagang hayop ay kasunod ng lupa’t bahay, pera, at ilang personal na gamit.