Karunungan Para sa Masayang Buhay
“Nalulungkot ako kapag nakikita ko ang masasamang nangyayari sa mundo—digmaan, kahirapan, sakit, at pang-aabuso sa mga bata. Pero hindi na ako nawawalan ng pag-asa.”—RANI. *
Naging masaya ang buhay ni Rani nang makilala niya ang Pinagmumulan ng tunay na karunungan—ang ating Maylalang, ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Habang binabasa mo ang sumusunod na mga artikulo, tingnan kung paano makakatulong sa iyo ang mga turo niya para . . .
magkaroon ng masayang pamilya
magkaroon ng magandang kaugnayan sa iba
maging kontento
maintindihan kung bakit tayo nagdurusa at namamatay
magkaroon ng tunay na pag-asa sa hinaharap
makilala ang ating Maylalang at maging malapít sa kaniya
Makikita mo rin na ang karunungan ng Maylalang ay hindi lang para sa ilang pilíng tao, kundi para sa lahat ng gustong magkaroon nito.
^ par. 2 Binago ang mga pangalan sa magasing ito.