Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MAGULO ANG MUNDO

2 | Ingatan ang Kabuhayan Mo

2 | Ingatan ang Kabuhayan Mo

BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?

Maraming tao ang nahihirapang makaraos sa araw-araw. Nakakalungkot, dahil sa dami ng problema sa mundo, lalo pang nahihirapan ang mga tao na makaraos. Bakit?

  • Kapag may krisis sa komunidad, tumataas ang mga bilihin at gastusin, gaya ng pagkain at upa sa bahay.

  • Kapag may krisis, puwedeng mawalan ng trabaho o mabawasan ang suweldo.

  • Dahil sa mga sakuna, puwedeng bumagsak ang mga negosyo, masira ang mga bahay o iba pang mga ari-arian, kaya maghihirap ang mga tao.

Ang Dapat Mong Malaman

  • Kung marunong kang humawak ng pera, mas magiging handa ka sa panahon ng krisis.

  • Tandaan na ang mga kinikita mo, ipon, at ari-arian ay puwedeng mawalan ng halaga.

  • May mga bagay na hindi nabibili ng pera, gaya ng kaligayahan at pagkakaisa ng pamilya.

Ang Puwede Mong Gawin Ngayon

Ang sabi ng Bibliya: “Maging kontento na tayo kung mayroon tayong pagkain at damit.”​—1 Timoteo 6:8.

Kung kontento tayo, masaya na tayo kapag mayroon tayo ng mga pangangailangan natin. Napakahalaga nito lalo na kung naapektuhan ang kabuhayan natin.

Para maging kontento, baka kailangan mong magtipid. Kung mas malaki ang ginagastos mo kaysa sa kinikita mo, lalo ka lang magkakaproblema sa pera.