Turuan ang Iyong mga Anak
Tapat Pa Rin si Jotam Kahit Nagkaproblema ang Pamilya
KAPAG ayaw na ng magulang na maglingkod sa tunay na Diyos, si Jehova, maaaring mahirapan ang anak. Tingnan natin ang nangyari kay Jotam at ang mga problema sa kaniyang pamilya habang lumalaki siya.
Ang ama ni Jotam, si Uzias, ay hari ng Juda. Siya ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Sa loob ng maraming taon, naging mabuting hari si Uzias, kahit noong bago pa ipanganak si Jotam. Pero nang maglaon, noong bata pa si Jotam, naging mayabang si Uzias at nilabag niya ang Kautusan ng Diyos. Kaya hinayaan ng Diyos na magkaroon siya ng ketong, isang nakapandidiring sakit. Alam mo ba kung ano ang ginawa noon ni Jotam?— a
Patuloy na naglingkod si Jotam kay Jehova. Marahil ay tinulungan siya ng kaniyang inang si Jerusa. Pero posibleng nahirapan si Jotam na manatiling tapat kay Jehova nang ihiwalay mula sa bahay ni Jehova ang kaniyang amang si Uzias.
Paano kung ayaw nang sumamba kay Jehova ng tatay o nanay mo? Mahihirapan ka rin kaya?— Okey lang namang isipin kung ano ang gagawin mo sakaling mangyari iyon. May matututuhan tayo sa isinulat ni David sa Bibliya.
Ang ama ni David, si Jesse, ay isang mabuting tao. Siya ay naglingkod kay Jehova, at tiyak na mahal siya ni David. Pero mas mahal ni David si Jehova kaysa sa kaniyang amang si Jesse. Tingnan natin kung bakit.
Awit 27:10: “Sakaling iwan ako ng aking ama at ng aking ina, si Jehova mismo ang kukupkop sa akin.” Pag-isipan ito: Sinasabi ng Bibliya na kung ang tatay ni David na si Jesse o ang nanay niya ay titigil sa paglilingkod kay Jehova, patuloy pa ring maglilingkod si David sa Kaniya.
Isinulat ni David saGaniyan din ba ang gagawin mo kahit tumigil na ang tatay o nanay mo sa paglilingkod kay Jehova?— Mahalaga ang sagot mo sa tanong na iyan. Dahil may kaugnayan iyan sa pinakamahalagang utos sa Bibliya: ‘Ibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong pag-iisip.’
Ang ibig sabihin ng utos na iyan ay dapat tayong maging tapat kay Jehova kahit mahirap itong gawin. Kilala mo ba kung sino ang may gustong tumigil tayo sa paglilingkod kay Jehova?— Ang kaaway ng Diyos na si Satanas na Diyablo. Tinawag siya ni Jesus na ang “tagapamahala ng sanlibutang ito.” Sinasabi rin ng Bibliya na siya ang “diyos ng sistemang ito ng mga bagay.” Dapat ba tayong matakot kay Satanas?—
Hindi. Tandaan nating mas makapangyarihan si Jehova kaysa kay Satanas. Tutulungan tayo ni Jehova kung magtitiwala tayo sa kaniya. Basahin mo sa iyong Bibliya kung paano tinulungan ni Jehova si David laban sa higanteng si Goliat. Matutulungan ka rin ni Jehova kung mananatili kang tapat sa kaniya.
Basahin sa iyong Bibliya
a Kapag binabasa mo ito sa isang bata, ang gatlang pagkatapos ng tanong ay nagsisilbing paalaala sa iyo na huminto at hintayin ang kaniyang sagot.