Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sa Aming mga Mambabasa

Sa Aming mga Mambabasa

Ang magasing binabasa mo ngayon ay unang inilathala noong Hulyo 1879. Marami nang bagay ang nagbago mula noon—kasali na ang magasing ito. Pasimula sa isyung ito, mapapansin mo ang higit pang mga pagbabago sa format ng Ang Bantayan. Anu-ano iyon?

Sa maraming bansa, parami nang parami ang mas gustong kumuha ng mga impormasyon sa Internet. Sa isang pindot lang ng mouse, bubungad na sa kanila ang mga impormasyong sa Internet lang makukuha. Maraming aklat, magasin, at pahayagan ang mababasa online.

Dahil dito, binago namin ang disenyo ng aming Web site na www.pr2711.com. Ginawa namin itong mas maganda at mas madaling i-browse. Ang mga bumibisita sa site ay makapagbabasa ng mga publikasyon sa mahigit 430 wika. Pero simula sa buwang ito, mababasa rin nila ang ilang pilíng artikulo na regular na lumalabas noon sa iniimprenta naming mga magasin, ngunit ngayon ay sa aming Web site na lang makikita. *

Yamang maglalathala na kami ng mas maraming artikulong sa Internet lang mababasa, ang 32 pahina ng edisyong pampubliko ng Ang Bantayan ay magiging 16 na lang pasimula sa isyung ito. Ang magasing Ang Bantayan ay inilalathala na ngayon sa 204 na wika. Dahil pinaikli, posible na itong maisalin sa mas marami pang wika.

Umaasa kami na sa tulong ng mga pagbabagong ito, maibabahagi namin sa mas marami pang tao ang nagliligtas-buhay na mensahe ng Bibliya. Gamit ang aming mga magasin at Web site, determinado kaming patuloy na maglaan ng magagandang impormasyong makatutulong sa aming mga mambabasang may paggalang sa Bibliya at nagnanais malaman kung ano talaga ang itinuturo nito.

Mga Tagapaglathala

^ par. 5 Kabilang sa mga artikulong mababasa lang online ang mga sumusunod: “Para sa mga Kabataan,” na may mga activity sa pag-aaral ng Bibliya para sa mga kabataan, at “Mga Leksiyon Ko sa Bibliya,” isang serye na dinisenyo para magamit ng mga magulang sa kanilang mga anak na edad tatlo pababa.