Makatarungan ba at Patas ang Kautusan ng Diyos sa Israel?
SA ISANG bansa sa Kanluran, dalawang lalaki ang hinatulan ng kamatayan sa salang pagpatay, batay sa maling ebidensiya. Nang makumpirma ang pagkakamali, ginawa ng mga abogado ang lahat para mapalaya ang isa sa mga nahatulan. Pero gaano man sila kagaling, huli na ang lahat para sa isa pang lalaki
Yamang nangyayari ang ganitong pagpilipit sa batas, hinihimok tayo ng Bibliya: “Katarungan
“MARURUNONG AT MAIINGAT AT MAKARANASANG” MGA HUKOM
Napangangalagaan ang kapakanan ng bayan kapag may kakayahan, patas, at hindi tiwali ang mga hukom. Sa Kautusan ng Diyos sa Israel, napakahalaga ng gayong mga hukom. Noong naglalakbay ang Israel sa disyerto, inutusan si Moises na humanap ng “mga lalaking may kakayahan, natatakot sa Diyos, mga lalaking mapagkakatiwalaan, napopoot sa di-tapat na pakinabang,” na magsisilbing mga hukom. (Exodo 18:
Makalipas ang ilang siglo, inutusan ni Haring Jehosapat * ng Juda ang mga hukom: “Tingnan ninyo kung ano ang inyong ginagawa, sapagkat hindi kayo humahatol para sa tao kundi para kay Jehova; at siya ay sumasainyo may kinalaman sa paghatol. At ngayon ay mapasainyo nawa ang panghihilakbot kay Jehova. Mag-ingat kayo at kumilos, sapagkat kay Jehova na ating Diyos ay walang kalikuan o pagtatangi o pagtanggap ng suhol.” (2 Cronica 19:
Kapag sinusunod ng mga hukom ng Israel ang mataas na pamantayang ito, napangangalagaan at nagiging tiwasay ang bayan. Pero ang Kautusan ng Diyos ay mayroon ding mga simulain, o prinsipyo, na tutulong sa mga hukom na humatol nang patas kahit sa pinakamahihirap na kaso. Ano ang ilan sa mga ito?
MGA PRINSIPYO PARA SA PATAS NA PAGHATOL
Bagaman marurunong at may kakayahan ang pipiliing mga hukom, hindi sila dapat humatol batay lang sa kakayahan o talino nila. Binigyan sila ng Diyos na Jehova ng mga prinsipyo o panuntunan para makahatol nang tama. Narito ang ilan.
Gumawa ng masusing imbestigasyon. Sa pamamagitan ni Moises, tinagubilinan ng Diyos ang mga hukom sa Israel: “Kapag nagsasagawa ng isang pagdinig sa pagitan ng inyong mga kapatid, humatol kayo nang may katuwiran.” (Deuteronomio 1:16) Magiging patas lang ang hatol kung isasaalang-alang ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaso. Kaya naman inutusan ng Diyos ang mga humahawak ng kaso: “Magsaliksik [kayo] at magsiyasat at mag-usisa nang lubusan.” Dapat tiyakin ng mga hukom na ang paratang sa isang kriminal na kaso ay “natatag bilang katotohanan” bago gumawa ng paglilitis.
Dinggin ang testimonya ng mga saksi. Napakahalaga nito sa isang imbestigasyon. Itinakda ng Kautusan ng Diyos: “Huwag titindig ang iisang saksi laban sa isang tao may kinalaman sa anumang kamalian o anumang kasalanan, tungkol sa anumang kasalanan na nagawa niya. Sa bibig ng dalawang saksi o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usapin.” (Deuteronomio 19:15) Ito naman ang Kautusan ng Diyos sa mga saksi: “Huwag kang magsasalita ng ulat na di-totoo. Huwag kang makikipagtulungan sa balakyot sa pagiging isang saksi na nagpapakana ng karahasan.”
Tiyaking nagsasabi ng totoo ang mga nasa pagdinig. Matindi ang parusa sa pagsisinungaling sa korte: “Ang mga hukom ay magsisiyasat nang lubusan, at kung ang saksi ay bulaang saksi at nagharap ng bulaang paratang laban sa kaniyang kapatid, gagawin din ninyo sa kaniya ang ipinakana niyang gawin sa kaniyang kapatid, at aalisin mo ang kasamaan sa gitna mo.” (Deuteronomio 19:
Humatol nang walang kinikilingan. Kapag naisaalang-alang na ang lahat ng ebidensiya, mag-uusap ang mga hukom para makabuo ng isang pasiya. Dito papasok ang napakaimportanteng detalye ng Kautusan ng Diyos: “Huwag mong pakikitunguhan nang may pagtatangi ang maralita, at huwag mong kikilingan ang pagkatao ng isang dakila. Sa katarungan ay hahatulan mo ang iyong kasamahan.” (Levitico 19:15) Sa lahat ng kaso, dapat humatol ang mga hukom batay sa kung ano ang totoo, hindi batay sa panlabas na hitsura o katayuan sa lipunan ng mga nasasangkot.
Ang mga prinsipyong ito na malinaw na binanggit noon sa Kautusan ng Diyos sa Israel, ay ginagamit pa rin ngayon sa mga hukuman. Kapag sinunod ang mga ito, maiiwasan ang maling paglilitis at di-makatarungang hatol.
ANG BAYAN NA NATULUNGAN NG TUNAY NA KATARUNGAN
Tinanong ni Moises ang mga Israelita: “Anong dakilang bansa ang may matuwid na mga tuntunin at mga hudisyal na pasiya na gaya ng buong kautusang ito na inilalagay ko sa harap ninyo ngayon?” (Deuteronomio 4:8) Totoo, walang ibang bansa ang may gayong probisyon. Noong naghahari si Solomon, na sumunod sa mga kautusan ni Jehova mula sa pagkabata, ang bayan ay “nanahanan nang tiwasay,” payapa at sagana, at “kumakain at umiinom at nagsasaya.”
Sayang at tinalikuran ng mga Israelita ang Diyos. Inihayag ni propeta Jeremias ang mensahe ng Diyos: “Narito! Itinakwil nila ang mismong salita ni Jehova, at anong karunungan ang taglay nila?” (Jeremias 8:9) Nang maglaon, ang Jerusalem ay naging “lunsod na may pagkakasala sa dugo” na punô ng “karima-rimarim na bagay.” Nang dakong huli, nawasak ito at naging tiwangwang sa loob ng 70 taon.
Nasaksihan ni propeta Isaias ang magulong kalagayan noon sa Israel. Dahil dito, nasabi niya ang katotohanang ito tungkol sa Diyos na Jehova at sa Kaniyang Kautusan: “Kapag may mga kahatulan mula sa iyo para sa lupa, katuwiran ang siyang matututuhan ng mga tumatahan sa mabungang lupain.”
Laking pasasalamat ni Isaias na maihula ang tungkol sa pamamahala ng Mesiyanikong Hari, si Jesu-Kristo: “Hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga. At sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita, at sa katapatan ay sasaway siya alang-alang sa maaamo sa lupa.” (Isaias 11:
^ par. 6 Ang pangalang Jehosapat ay nangangahulugang “si Jehova ay Hukom.”