Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Ano ang magiging kinabukasan ng tao?
Ang tao ay tiyak na patuloy na gagawa ng mga pagsulong sa siyensiya. Pero makagagawa kaya sila ng isang lipunan ng tao na talagang nagmamalasakit sa isa’t isa? Hindi. Sa ngayon, ang mga tao ay makasarili at sakim. Pero mas magandang kinabukasan ang gusto ng Diyos para sa tao.—Basahin ang 2 Pedro 3:13.
Inilalarawan ng Salita ng Diyos ang isang pandaigdig na lipunan sa hinaharap kung saan ang mga tao ay magmamahalan sa isa’t isa. Mamumuhay sila nang panatag, at walang sinumang mananakit sa kanila.—Basahin ang Mikas 4:3, 4.
Paano aalisin ang pagiging makasarili?
Nilalang ng Diyos ang tao na walang anumang hilig na maging makasarili. Pero nang piliin ng unang tao na sumuway sa Diyos, naiwala niya ang kaniyang kasakdalan. Namana natin sa kaniya ang hilig na maging makasarili. Pero gagamitin ng Diyos si Jesus upang ibalik ang tao sa kasakdalan.—Basahin ang Roma 7:21, 24, 25.
Kaayon ng kalooban ng Diyos, namatay si Jesus bilang hain at inalis ang epekto ng pagsuway ng unang tao. (Roma 5:19) Dahil sa ginawa ni Jesus, posible na ang isang kamangha-manghang kinabukasan kapag ang tao ay hindi na gagawa ng masama.—Basahin ang Awit 37:9-11.