Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 126

Aming Pagpapagal Dahil sa Pag-ibig

Aming Pagpapagal Dahil sa Pag-ibig

(Awit 127:1)

1. Jehova, sa ’ming puso;

Ang dalangin namin sa iyo.

Pinarangalan mo, lingkod mo

Sa pribilehiyo.

Sa gusaling ’tinayo,

Pagpapala mo’y natamo.

Ito ay patunay na ika’y

Mahal na tunay.

(KORO)

Jehova, aming pribilehiyo

Ang magtayo para sa iyo.

Habang-buhay paglingkuran at purihin ka

Sa lahat ng aming gawa.

2. Lahat ay maligaya,

Magkakaibigan talaga!

’Di malilimutan kailanman,

Pagsasamahan.

Kami’y nagkakaisa,

Espiritu mo’y sagana.

Isang karangalan, ’yong ngalan

Ay papurihan!

(KORO)

Jehova, aming pribilehiyo

Ang magtayo para sa iyo.

Habang-buhay paglingkuran at purihin ka

Sa lahat ng aming gawa.

(Tingnan din ang Awit 116:1; 147:1; Roma 15:6.)