AWIT 36
Bantayan ang Ating Puso
-
1. Ang puso nati’y bantayan
At huwag magkasala.
Ang pagkatao sa loob,
Alam ni Jehova.
Puso nati’y mapandaya,
Lumilihis minsan.
Isip ang dapat manaig,
Puso ay gabayan.
-
2. Puso’y laging ihahanda
Sa pananalangin.
Sabihin ang ’yong problema,
Magpasalamat din.
Mga turo ni Jehova,
Dapat nating sundin.
Ang pusong matapat sa Diyos,
Kailangang taglayin.
-
3. Sa masamang kaisipan,
Puso ay ingatan.
Ang Salita ng Diyos ating
Laging pag-isipan.
Mga tapat na lingkod niya,
Mahal ni Jehova.
Buong-puso siyang sambahin
Bilang kaibigan niya.
(Tingnan din ang Awit 34:1; Fil. 4:8; 1 Ped. 3:4.)