PATULOY NA MAGBANTAY!
Mga Saksi ni Jehova at ang Holocaust—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Sa Enero 27, 2023, aalalahanin ng maraming tao ang International Holocaust Remembrance Day. Baka maisip mo kung bakit hinayaan ng Diyos na maging biktima ang maraming tao ng masaklap na pangyayari sa Holocaust noong nakalipas na mahigit 75 taon.
Para malaman ang sagot ng Bibliya, basahin ang artikulong “Bakit Nangyari ang Holocaust? Bakit Hindi Ito Pinigilan ng Diyos?”
Matinding hirap ang pinagdaanan ng mga Judio na naging biktima ng Holocaust. Milyon-milyon ang pinatay. Pinahirapan din at pinatay ang iba pang mga grupo noong Holocaust. Kasama na rito ang mga Saksi ni Jehova, dahil sa paniniwala nila sa Bibliya.
Para malaman ang iba pang detalye, basahin ang artikulong “Ano ang Nangyari sa mga Saksi ni Jehova Noong Holocaust?”
“Magandang kinabukasan at pag-asa”
Marami ang natatakot na baka mangyari ulit ang Holocaust. Mabuti na lang, sinasabi ng Bibliya na hindi na ulit mangyayari ang masaklap na trahedyang ito.
“‘Dahil alam na alam ko ang gusto kong gawin para sa inyo,’ ang sabi ni Jehova. ‘Bibigyan ko kayo ng kapayapaan, at hindi ng kapahamakan, para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan at pag-asa.’”—Jeremias 29:11. a
Mangyayari ang lahat ng ito kapag inalis na ng Diyos na Jehova ang lahat ng kasamaan at ang mga epekto nito. Malapit na niyang:
Alisin ang masasama na pumipinsala sa iba.—Kawikaan 2:22.
Pagalingin at pasayahin ang lahat ng maysakit, nagdadalamhati at nalulungkot.—Apocalipsis 21:4.
Buhayin ang mga patay.—Juan 5:28, 29.
Alamin kung bakit ka makakapagtiwala sa magandang pag-asang ito na ipinapangako ng Bibliya. Inaanyayahan ka naming subukan ang aming libreng pag-aaral sa Bibliya.
a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.