Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kim Steele/The Image Bank via Getty Images

Problema sa Ekonomiya—Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos Dito?

Problema sa Ekonomiya—Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos Dito?

 Pahirap nang pahirap ang buhay ng maraming tao sa buong mundo.

  •   Sinabi ng isang report a sa ginawang survey sa buong mundo na paunti nang paunti ang nabibili ngayon sa suweldo ng isang tao buwan-buwan. Nagbabala ito na kung hindi magbabago ang kalagayan, lalong lalaki ang agwat ng mayaman at mahirap, at maraming pamilya ang lalong maghihirap.

 Masosolusyunan kaya ng mga gobyerno ang lumalalang problemang ito? O may magagawa kaya sila para kahit paano bumuti ang kalagayan?

 Sinasabi ng Bibliya na may isang gobyerno na kaya at gustong solusyunan ang lahat ng problema sa ekonomiya. Sinasabi nito na “ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian,” o isang gobyerno na mamamahala sa buong lupa. (Daniel 2:44) Sa pamamahala ng gobyernong ito, magiging pantay-pantay na ang lahat ng tao. (Awit 9:18) Ibibigay ng Kaharian ng Diyos ang mga kailangan nila at magiging masaya sila sa lahat ng ginagawa nila.​—Isaias 65:21, 22.

a International Labour Organization Global Wage Report 2022-23