Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

JW LIBRARY

Karaniwang mga Tanong—JW Library (iOS)

Karaniwang mga Tanong—JW Library (iOS)

Gagana ang JW Library sa mga device na may operating system na:

  • Android 5.1 o mas bago

  • iOS 12.0 o mas bago

  • macOS na may M1 o mas bago pang chip

  • Windows 10 Version 1903 o mas bago

Para manatiling secure at reliable ang JW Library app, minsan, kailangang taasan ang mga minimum requirement. Kaya inirerekomenda namin na panatilihing updated ang operating system ng device mo. Kung hindi na kayang i-update ang device mo sa minimum requirement na hinihiling, puwede pa ring gumana ang app pero hindi mo magagamit ang pinakabagong mga feature.

 

Sa pana-panahon, nagdaragdag ng bagong mga wika. Para makita ang available na mga wika sa isang publikasyon, i-tap ang Wika.

Tumutugma ang bawat kulay sa isa sa walong grupo na ipinapaliwanag sa Tanong 19 sa Introduksyon sa Salita ng Diyos.

 

Iisa lang ang JW Library para sa lahat ng platform. May pagkakataong hindi lang sabay-sabay na nare-release ang mga bagong feature at update sa lahat ng platform.

 

Problema: Pagkatapos mong mai-update ang pinakabagong version ng JW Library, baka may makita kang message na nawala ang mga note at highlight mo. Hindi mo na makita ang personal mong mga note, tag, highlight, favorite, at bookmark.

Solusyon: Puwedeng maayos ng susunod na update ang problema. I-install ang susunod na update, at sundan ang on-screen direction para maibalik ang mga note at highlight mo.

 

Baka matulungan ka ng kaibigan mo na pamilyar sa JW Library. Kung hindi, kontakin ang inyong tanggapang pansangay.