Global Policy sa Paggamit ng Personal na mga Impormasyon
Ang personal na mga impormasyong ito ay kinukuha, itinatago, at ginagamit lang namin para sa dahilan ng pagbibigay mo nito. At itinatago namin ang mga impormasyong ito hangga’t kailangan lang para sa dahilang ito at para sa iba pang lehitimong dahilan. Kung piliin mong huwag ibigay ang hinihiling naming impormasyon, posibleng hindi ka maka-access sa ilang bahagi ng website o iba pang app mula sa Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc. o hindi rin namin matugunan ang request mo.
Ang mga impormasyong ibinigay mo para sa iyong request o aplikasyon ay puwedeng ma-access ng mga processor na kailangang magproseso ng impormasyong ito para maisakatuparan ang layunin ng pagbibigay ng impormasyon at/o ng mga technical support specialist na may kinalaman sa pag-o-operate at pagmamantini ng technical system. Hindi namin ibinibigay sa iba ang iyong personal na mga impormasyon maliban kung (1) kailangan ito para maibigay ang serbisyo na hinihiling mo at malinaw naming naipaalám sa iyo, (2) lubos kaming naniniwala na ang pagbibigay ng iyong impormasyon ay talagang kailangan para walang malabag na anumang batas o regulasyon, (3) hinihiling ito ng mga awtoridad, o (4) kailangan ito para ma-detect at maiwasan ang fraud sa seguridad at problema sa teknikal. Kapag ginamit mo ang aming website at ang iba pang app na may kaugnayan sa aming website, sumasang-ayon ka na puwede naming ibigay sa mga third party ang iyong personal na impormasyon para sa mga dahilang ito. Hinding-hindi namin ibebenta, ipagpapalit, o ipapagamit nang may bayad ang anumang personal na impormasyong ibinigay mo.
PAGGAMIT NG PERSONAL DATA SA WEBSITE
Ang karamihan sa nilalaman ng website na ito ay puwedeng ma-access ng isang indibidwal kahit hindi siya mag-register bilang user o magbigay ng anumang impormasyon. Pero may ilang feature ito na magagamit lang ng naka-register na mga user, mga user na nagpapadala ng request o aplikasyon, o mga user na ang personal na impormasyon ay ipinapadala ng kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova gamit ang jw.org. Ginagamit lang namin ang iyong personal na impormasyon kung may pahintulot mo. Sa ilang kaso, kung babawiin mo ang pahintulot mo, posibleng gamitin pa rin namin ang iyong personal na impormasyon kung may legal na basehan kami.
Ang ibinigay mong personal na impormasyon sa website ay gagamitin lang sa layuning ipinaalám sa iyo nang panahong ibigay mo ito. Ito ang ilang paggagamitan ng impormasyon:
Account. Ang email address na ibinigay mo nang gumawa ka ng account sa website na ito ay gagamitin sa pagkontak sa iyo hinggil sa iyong account. Halimbawa, kung nakalimutan mo ang iyong user name o password at gusto mong magpatulong sa pag-log in, ang tulong ay ipapadala sa email address na nakalagay sa iyong user profile.
My Profile Page. Kapag nakagawa ka na ng account, puwede kang bigyan ng kalihim ng kongregasyon ninyo ng access sa feature na My Profile. Kapag nagdagdag ka ng personal na impormasyon sa My Profile page mo sa hub.pr2711.com, tatanungin ka kung sumasang-ayon kang gamitin ang karagdagang impormasyon na iyon para malaman kung puwede ka sa iba pang paglilingkod at para makontak ka. Kung tumutulong ka sa isang proyekto at nagdagdag ka ng mga skill sa My Profile page mo, may skills assessor na puwedeng mag-assess ng mga skill mo para sa proyektong iyon. Para maproseso ang mga impormasyon mo, puwede itong i-share, kung kailangan, sa iba pang mga tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova, sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova, o iba pang mga organisasyong katulad nito na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa iba’t ibang bansa.
Aplikasyon. Kung kuwalipikado ka ayon sa paniniwala at tuntunin ng mga Saksi ni Jehova, puwede mong gamitin ang website na ito para gumawa ng account mo at magpadala ng aplikasyon mo, o ang kongregasyon mo ay puwedeng magpadala ng aplikasyon para sa iyo. Nakasaad sa bawat aplikasyon ang layunin nito, gaya ng pag-aaplay para sa higit pang relihiyosong paglilingkod o paghiling o pag-aalok ng matutuluyan sa panahon ng mga kombensiyon, asamblea, o iba pang okasyon. Maaaring kasama sa personal na impormasyon mo sa aplikasyon ang impormasyong ibinigay mo, ng mga elder, o ng tagapangasiwa ng sirkito. Ang ibinigay na mga impormasyon ay para lang sa pagpoproseso at pagsasaalang-alang ng iyong aplikasyon at para sa iba pang kaugnay na administratibong layunin, kabilang na ang paggawa ng profile mo, na bahagi ng pagproseso sa aplikasyon. Kung kailangan sa pagpoproseso ng aplikasyon mo, ang mga impormasyon sa iyong aplikasyon ay puwedeng ipadala sa ibang sangay, sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova, o sa iba pang katulad na organisasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa ibang bansa. Sa lahat ng sitwasyon, ang mga aplikasyon ay sinusuri nang isa-isa at hindi sa pamamagitan ng awtomatikong proseso.
Mga Espesyal at Internasyonal na Kombensiyon. Kung kuwalipikado kang mag-apply para sa Espesyal o Internasyonal na Kombensiyon (“Convention”), puwede mong gamitin ang website na ito para mag-submit ng aplikasyon. Pakisuyong tingnan ang karagdagang impormasyong para sa lahat ng aplikasyon sa ilalim ng subheading na “Aplikasyon” sa itaas.
Mga Delegado. Kasama sa mga personal data na gagamitin sa Kombensiyon ang contact information mo, petsa ng kapanganakan, impormasyon ng grupo ninyo, impormasyon ng accommodation, impormasyon ng arrival at departure, at iba pang ibinigay mong data na kailangan para sa Kombensiyon. Kapag napili kang maging delegado sa isang Kombensiyon, ang personal data mo ay isi-share sa at gagamitin ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova na magho-host ng Kombensiyon, kasama na rito ang mga indibidwal na naglilingkod at tumutulong sa mga convention committee at hospitality committee. Gagamitin nila ang personal data mo para sa pagpaplano ng kombensiyon, pag-aasikaso sa biyahe mo at iba pang mga kailangan para dito, at para mag-organisa ng mga event at activity na kaugnay sa Kombensiyon. Isi-share din ang personal data mo sa napili mong hotel, sa mga entity nito, at mga third-party provider, para maproseso ang mga reservation mo at ang iba pang kailangan para sa pag-stay mo sa napili mong hotel. Isi-share din ang personal data mo sa mga third-party provider na naglalaan ng mga serbisyo sa napili mong mga activity. Kapag nagdesisyon kang hindi magbigay ng personal data mo o ni-request mong i-delete ang personal data mo, hindi ka na magiging kuwalipikado bilang delegado sa Kombensiyon. Agad naming ide-delete ang personal data mo kapag hindi na ito kailangan.
Mga Special Preaching Campaign. Kung kuwalipikado kang mag-apply para sa Special Preaching Campaign (“Campaign”), puwede mong gamitin ang website na ito para mag-submit ng aplikasyon. Pakisuyong tingnan ang karagdagang impormasyong para sa lahat ng aplikasyon sa ilalim ng subheading na “Aplikasyon” sa itaas. Kapag napili kang sumama sa Campaign, ang personal data mo ay isi-share sa at gagamitin ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova na magho-host ng Campaign. Kasama sa mga personal data na gagamitin sa Campaign ang contact information mo, impormasyon ng grupo ninyo, impormasyon ng accommodation, impormasyon ng arrival at departure, wikang alam mo, at iba pang ibinigay mong data na kailangan para sa Campaign. Ang personal data mo ay gagamitin ng Special Preaching Campaign Committee sa sangay na nagho-host para iorganisa ang Campaign, i-assign ka sa isang rehiyon, at magsaayos ng mga accommodation. Gagamitin din ng kontak sa rehiyon at ng mga elder sa host congregation ng rehiyon kung saan ka na-assign ang personal data mo para maorganisa ang Campaign sa rehiyon. Kapag nagdesisyon kang hindi magbigay ng personal data mo o ni-request mong i-delete ang personal data mo, hindi ka na magiging kuwalipikadong sumama sa Campaign.
Mga Training Class. Kapag kuwalipikado kang tumulong sa mga proyekto, kasama na ang mga proyekto sa pagtatayo, puwedeng kang imbitahan ng training class organizer na dumalo sa isang klase. Puwede mong i-accept o i-decline ang imbitasyon o i-cancel ang pagdalo mo sa klase bago ito magsimula. Kapag tinanggap mo ang imbitasyon, ire-record ng mga trainer ang attendance mo, aalamin ang mga natutuhan mo sa pagdalo sa klase, at puwede silang magbigay ng komento. Mare-review at maa-assess din ng mga organizer at trainer ng mga klase ang mga idinagdag mong skill sa My Profile page mo sa hub.pr2711.com. Para maproseso ang mga impormasyon mo, puwede rin itong i-share, kung kailangan, sa iba pang mga tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova, sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova, o iba pang mga organisasyong katulad nito na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa iba’t ibang bansa.
Donasyon. Kung magdo-donate ka ng pera online, kukunin namin ang iyong pangalan at contact information. Para makatanggap ng donasyon sa pamamagitan ng credit card, gumagamit kami ng accredited na mga online payment-processing service na may world-class na seguridad at data-privacy policy. Kapag natanggap namin ang ilang impormasyon gaya ng credit card number o financial account number na kailangan para maproseso ang iyong donasyon, ipinapadala namin ang mga impormasyong ito sa mga processing service na iyon. Pinoproseso namin ang donasyon mo gamit ang mga pamantayang pasado sa Payment Card Industry Data Security Standard (“PCI DSS”) para matiyak ang seguridad nito. Ang tumatanggap ng donasyon ay nagtatago ng rekord ng transaksiyon nang di-kukulangin sa 10 taon ayon sa itinakda ng batas. Kasama sa rekord ang petsa kung kailan ibinigay ang donasyon, ang halaga nito, at ang paraan ng pagdo-donate. Kailangan ito para matugunan namin ang kahilingan sa accounting at masagot namin ang anumang katanungan mo sa loob ng panahong iyon. Hindi ka namin kokontakin para humingi ulit ng donasyon.
Request Para sa Higit Pang Impormasyon o Para sa Pag-aaral sa Bibliya. Puwede ka ring mag-request ng higit na impormasyon o ng libreng pag-aaral sa Bibliya gamit ang website namin. Ang personal na impormasyong ipinadala mo ay gagamitin lang namin para matugunan ang espesipikong request mo. Kung kinakailangan para maproseso ang iyong request, ang personal na impormasyon mo ay puwedeng ipadala sa ibang sangay o sa iba pang organisasyon na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova.
Iba Pang Gamit. Kahit hindi ka gagawa ng account, magpapadala ng aplikasyon, o magdo-donate, puwede kang magbigay ng personal na mga impormasyon (gaya ng iyong pangalan, postal address, at telephone number) para sa ibang dahilan. Sa ganitong sitwasyon, ipapaalám sa iyo kung bakit hinihingi ang impormasyon. Hindi namin gagamitin sa ibang bagay ang impormasyong ibinigay mo, maliban sa layuning nabanggit sa iyo.
PAGGAMIT NG PERSONAL DATA SA JW LIBRARY
Ang paggamit ng personal data mo sa JW Library ay ipinapaliwanag sa Kung Paano Ginagamit ng JW Library ang Personal Data Mo.
Gaya ng mababasa sa page na iyon, kumukuha ang app ng data mula sa jw.org website. Maa-access ng website ang IP address ng user kapag nagda-download ang app. Ang personal data na kinukuha ng website ay para sa services ng app, mas mapaganda ang app service, at para sa security. Ginagamit ang mga ito sa pag-access at paggamit ng user sa app, sa pag-manage at pag-optimize ng app, para maiwasan at ma-detect ang fraud at malicious software, at pag-manage sa mga security incident.
PAGPAPADALA NG DATA SA IBANG BANSA
Pandaigdig ang organisasyon kaya gumagamit ito ng mga korporasyon at grupo sa iba’t ibang bansa. Ang ilan sa mga server ng website at iba pang app na may kaugnayan sa website na ito ay nasa United States of America. Puwede naming ilipat ang iyong personal na mga impormasyon sa ibang bansa, at posibleng pati sa mga bansa na ang seguridad sa paghawak ng personal na impormasyon ay hindi katulad sa bansang tinitirhan mo. Tinitiyak naming secured ang iyong personal na mga impormasyon habang hawak namin ito at kapag ipinapadala namin ito sa ibang bansa. Inaasahan namin na ang lahat ng organisasyong ginagamit para suportahan ang gawain ng mga Saksi ni Jehova ay sumusunod sa data-protection policy namin, pati na sa mga batas at regulasyon hinggil sa personal na mga impormasyon.
Kapag pumunta ka sa aming website at nakipag-ugnayan sa amin electronically, sumasang-ayon ka sa pagpapadala at paggamit ng iyong personal na impormasyon sa ibang bansa. Madalas, may mga agreement din kaming ginagamit sa gayong pagpapadala, gaya ng mga standard contractual clause.
MGA KARAPATAN MO
Tuwing pinoproseso namin ang iyong personal na mga impormasyon, tinitiyak namin na tumpak ang mga ito at up-to-date para matugunan ang dahilan ng pagbibigay mo nito. Depende sa bansang tinitirhan mo at sa mga data-protection law roon, puwedeng ibigay sa iyo ang mga karapatang ito pagdating sa personal na mga impormasyong ipinadala mo sa amin:
Puwede kang mag-request ng impormasyon hinggil sa pagkuha at paggamit ng iyong personal na mga impormasyon kaayon ng lokal na mga batas.
Puwede mong i-request na ma-access, maitama, mabura, o huwag ipakita sa iba ang iyong personal na mga impormasyon kung kulang ito o di-tumpak.
Kung mayroon kang lehitimong mga dahilan, puwede mong tanggihan ang pagpoproseso ng iyong personal na mga impormasyon at i-request sa amin na itigil ang kasalukuyang pagpoproseso rito.
Kung gusto mong ma-access, maitama, o mabura ang iyong personal na mga impormasyon at may sariling mga data protection law ang bansang tinitirhan mo, makikita mo ang contact information ng bansang ito sa Data Protection Contacts page.
Kapag natanggap na namin ang nasusulat na request mo at nakapagbigay ka ng sapat na ebidensiya ng iyong pagkakakilanlan at sapat na detalye para mahanap namin ang iyong personal na impormasyon, titingnan ng data controller kung mapagbibigyan ang iyong request. Babalansehin nito kung makakatulong sa iyo na ma-access ang iyong personal na impormasyon o na maitama at mabura ang iyong impormasyon at kung hindi ito makakasamâ sa lehitimong interes ng organisasyon (halimbawa, kung ang pagpayag sa request ay posibleng magsapanganib sa kalayaan at karapatan ng organisasyon na isagawa ang relihiyosong mga gawain nito). Ipapaalám din namin sa mga third party ang kinakailangang pagbabago.
Pakisuyong tandaan na posibleng hindi mabura ang iyong personal na mga impormasyon kung hinihiling ng batas na iproseso ito o may legal na mga basehan para huwag burahin ang mga impormasyon. Halimbawa, iniingatan ng organisasyon ang mga impormasyon hinggil sa status ng isang tao bilang Saksi ni Jehova. Kung buburahin ang impormasyong iyon, makakaapekto ito sa relihiyosong paniniwala at gawain ng organisasyon. Kapag may nag-request na burahin ang kaniyang personal na mga impormasyon, isaalang-alang din ang mga legal reporting o document retention requirement na kailangan naming tugunan. Puwede kang maghain ng reklamo sa lokal na awtoridad na nagpapatupad ng data protection law hinggil sa pagpoproseso ng mga impormasyong ibinigay mo sa website na ito.