Pumunta sa nilalaman

Ano ang Nangyari sa mga Saksi ni Jehova Noong Holocaust?

Ano ang Nangyari sa mga Saksi ni Jehova Noong Holocaust?

 Sa mga 35,000 Saksi ni Jehova na nakatira sa Germany at sa mga bansang nasakop ng Nazi, mga 1,500 ang namatay noong Holocaust. May mga kaso na hindi natukoy ang dahilan ng kamatayan. Patuloy pa ang pagsasaliksik at puwede pang magbago ang bilang at ibang detalye.

 Paano sila namatay?

  • Gilotinang ginamit ng mga Nazi

      Pagbitay: Halos 400 Saksi ang binitay sa Germany at sa mga bansang nasakop ng Nazi. Karamihan ng mga biktima ay nilitis sa korte, sinentensiyahan ng kamatayan, at pinugutan ng ulo. Ang iba ay binaril o binigti nang walang paglilitis sa korte.

  •   Napakahirap na kalagayan sa piitan: Mahigit 1,000 Saksi ang namatay sa mga Nazi concentration camp at bilangguan. Namatay sila dahil sa matinding pagod sa trabaho, pagpapahirap, gutom, matinding lamig, sakit, o hindi mabuting medikal na pangangalaga. Dahil sa malupit na pagtrato, ang iba ay namatay nang mapalaya pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II.

  •   Iba pang dahilan: Ang ilang Saksi ay pinatay sa mga gas chamber, namatay pagkatapos gamitin sa medikal ng mga eksperimento, o binigyan ng lethal injection.

 Bakit sila inusig?

 Ang mga Saksi ni Jehova ay inusig dahil nanghahawakan sila sa mga turo ng Bibliya. Nang ipag-utos ng estado ng Nazi sa mga Saksi ang mga ipinagbabawal ng Bibliya, hindi sumunod ang mga Saksi. Pinili nilang “sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.” (Gawa 5:29) Tingnan natin ang dalawang halimbawa.

  1.   Nanatiling neutral sa politika. Gaya ng mga Saksi sa lahat ng bansa ngayon, ang mga Saksi ni Jehova noon sa ilalim ng Nazi ay neutral sa mga usapin sa politika. (Juan 18:36) Kaya tumatanggi silang

  2.   Nagsagawa ng kanilang pananampalataya. Sa kabila ng pagbabawal na isagawa ang kanilang pananampalataya, ang mga Saksi ni Jehova ay patuloy na

 Ayon kay Propesor Robert Gerwarth, ang mga Saksi ni Jehova “ang tanging grupo sa ilalim ng rehimeng Nazi na pinag-usig dahil lang sa kanilang relihiyosong paniniwala.” a Hinangaan ng mga kapuwa bilanggo nila sa concentration camp ang mga Saksi ni Jehova dahil sa kanilang paninindigan. Sinabi ng isang bilanggong Austriano: “Hindi sila nakikipagdigma. Nanaisin pa nilang mamatay kaysa pumatay ng sinuman.”

 Saan sila namatay?

  •   Concentration camp: Karamihan ng mga Saksi ni Jehova ay namatay sa mga concentration camp. Ikinulong sila sa mga kampo ng Auschwitz, Buchenwald, Dachau, Flossenbürg, Mauthausen, Neuengamme, Niederhagen, Ravensbrück, at Sachsenhausen. Sa Sachsenhausen lang, mga 200 Saksi ni Jehova ang nakumpirmang namatay.

  •   Bilangguan: Ang ilang Saksi ay pinahirapan hanggang mamatay sa mga bilangguan. Ang iba naman ay namatay dahil sa pambubugbog noong interogasyon.

  •   Saan pinatay: Karamihan sa pinatay na mga Saksi ni Jehova ay binitay sa mga bilangguan sa Berlin-Plötzensee, Brandenburg, at Halle/Saale. Bukod diyan, may mga 70 iba pang dokumentadong lugar kung saan pinatay ang mga Saksi.

 Ilan sa mga pinatay

  •  Pangalan: Helene Gotthold

     Saan pinatay: Plötzensee (Berlin)

     Si Helene, na may asawa at dalawang anak, ay ilang beses na naaresto. Noong 1937, binugbog siya sa isang interogasyon kaya nakunan siya. Noong Disyembre 8, 1944, pinugutan siya ng ulo sa bilangguan ng Plötzensee, Berlin.

  •  Pangalan: Gerhard Liebold

     Saan pinatay: Brandenburg

     Si Gerhard ay 20 anyos nang pugutan siya ng ulo noong Mayo 6, 1943, dalawang taon pagkatapos pugutan ng ulo ang tatay niya sa bilangguan ding iyon. Sumulat siya bilang pamamaalam sa kaniyang ina at kapatid na babae at sa kaniyang katipan: “Hindi ko ito kakayanin kung walang lakas mula sa Panginoon.”

  •  Pangalan: Rudolf Auschner

     Saan pinatay: Halle/Saale

     Si Rudolf ay 17 anyos lang nang pugutan siya ng ulo noong Setyembre 22, 1944. Sa kaniyang liham ng pamamaalam sa kaniyang ina, isinulat niya: “Maraming kapatid ang nanatiling tapat, gayundin ako.”

a Hitler’s Hangman: The Life of Heydrich, pahina 105.