Saan Nakatira ang Diyablo?
Ang sagot ng Bibliya
Bilang espiritung persona, ang Diyablo ay nakatira sa isang di-nakikitang dako. Gayunman, hindi ito sa isang maapoy na impiyerno kung saan pinahihirapan niya ang napakasamang mga tao, gaya ng makikita sa larawan sa artikulong ito.
“Digmaan sa langit”
May panahong pinahintulutan si Satanas na makapagparoo’t parito sa langit, pati na sa kinaroroonan ng Diyos kasama ng tapat na mga anghel. (Job 1:6) Pero inihula ng Bibliya na magkakaroon ng “digmaan sa langit” anupat si Satanas ay palalayasin sa langit at ‘ihahagis sa lupa.’ (Apocalipsis 12:7-9) Pinatutunayan ng kronolohiya ng Bibliya at ng mga pangyayari sa daigdig na ang digmaang ito ay naganap na sa langit. Ang Diyablo ay hindi na makalalabas sa kapaligiran ng lupa.
Ibig bang sabihin, nakatira ang Diyablo sa isang espesipikong lugar dito sa ating planeta? Halimbawa, ang sinaunang lunsod ng Pergamo ay sinasabing ang lugar na “kinaroroonan ng trono ni Satanas” at “kung saan tumatahan si Satanas.” (Apocalipsis 2:13) Ang mga pananalitang ito ay malamang na nagpapakitang laganap doon ang pagsamba kay Satanas. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyablo ay namamahala sa “lahat ng mga kaharian ng tinatahanang lupa,” kaya wala siyang espesipikong tirahan sa lupa, pero hindi na siya makalalabas sa kapaligiran ng lupa.—Lucas 4:5, 6.